Advanced Illness: CPR at DNR
Introduksyon
Ang malalaking isyu—at malalaking desisyon—ay nakakaharap natin kapag iniisip natin ang di mapipigilan na pagpanaw ng isang may taning sa buhay na inaalagaan natin. Kasama na sa mga emosyonal, legal at pinansiyal na konsiderasyon, may mga tanong rin hinggil sa uri ng medikal na tulong na dapat matanggap ng tao na inaalagaan mo habang sumusulong ang kanilang sakit. Halimbawa, kung biglaan na lang silang nahihirapan sa paghinga, papahintulutan mo ba ang isang paramedic o emergency room technician na magsagawa ng isang CPR? At kung mapabuhay ng CPR ang tao, pero hindi na nila kayang makahinga ng mag-isa, papayagan mo ba na ang isang makinarya—isang respirator—na huminga gamit ang mga ito?
Isang mas malalim na pag-uunawa sa cardiopulmonary resuscitation, o CPR, ay makakatulong pagdating sa oras na maharap sa napakahirap na desisyon na ito bago pa man maganap ang krisis. Ang fact sheet na ito ay tiyak na sumasagot sa proseso ng CPR at inilalarawan ang DNR (Do Not Resuscitate) na form, ang legal na dokumentong ginagamit para mapahiwatig sa mga medikal na propesyonal ang mga nais mo o ng inaalagaan mo. (Para sa mas detalyadong talakayan ng iba pang mga isyu na kasangkot sa pagpaplano ng pagwawakas ng buhay, basahin ang mga fact sheet ng Family Caregiver Alliance, Advanced Illness: Holding On and Letting Go (in English), at Advanced Illness: Feeding Tubes at Ventilators).
CPR (Cardiopulmonary Resuscitation)
Ikonsidera ang mga sumusunod na situwasyon:
Ang asawa ni Nancy ay nagkaroon ng Alzheimer’s disease ng walong taon, at ngayon ay nasa huling yugto ng sakit. Pagkatapos ng pag-uusap tungkol sa mga isyu sa nalalapit ng pagpanaw sa kaniyang pamilya, nagpasya si Nancy na “hayaan ang likas na mga pangyayari” kung mayroon man maagap na medikal na kaganapan sa kaniyang asawa. Sa madaling salita, hindi niya gustong ilagay ito sa life support. Sinabihan niya ang kaniyang doktor sa desisyon na ito, at sumang-ayon ito.
Isang gabi, nagising si Nancy dahil nakita niya ang asawa niyang nahihirapan huminga. Walang pagdadalawang-isip ay tumawag siya sa 911. Nang dumating ang paramedics, ganap nang huminto sa paghinga ang kaniyang asawa. Mabilis na kumilos ang mga paramedics: agad silang nagsagawa ng CPR at dinala ang asawa sa ospital. Sa sandaling nakarating sa ospital si Nancy, ikinabit sa isng ventilator ang kaniyang asawa at maraming mga IV. Sa kasamaang palad, ito mismo ang hindi niya ginusto.
Kahulugan
Para ganap na maunawaan ang situwasyon ni Nancy, kinakailagnan ang mas malalim na pag-iintindi sa cardiopulmonary resuscitation. Sa madaling salita, ang CPR ay ang proseso ng pagpapagana muli ng tibok ng puso at paghinga pagkatapos na huminto ang alin sa dalawang ito. Ang unang hakbang ay kinasasangkutan ng paglilkha ng artificial na tibok ng puso sa pamamaitan ng pagtutulak sa dibdib, at pagtatangka na ibalik ang paghinga sa pamamagitan ng pag-ihip sa loob ng bibig ng tao. Tapos ay may ipapasok sa tubo ang medikal na propesyonal sa bibig at pababa sa daanan ng hangin nito para maging mas mabisa ang artipisyal na paghinga. Maaaring bigyan ng mga electric shock ang puso, at iba’t ibang mga gamot ang ibibigay rin gamit ang intravenous line. Kung bumalik ang pagtibok ng puso pero hindi pa rin sapat ang paghinga, may makinaryang tinatawag na ventilator ang maaaring gamitin para papasukin at ilabas ang hangin mula sa baga ng tao ng walang takdang panahon.
Sa telebisyon, ang CPR ay madalas na ipinapakita bilang huling pamamaraan para masagip ang buhay. Gayunman, hindi ganap na wasto ang pagpapakita ng proseso na ito—mas brutal ang prosesong ito sa totoong buhay. Ang pagtutulak sa dibdib pababa ng isa at kalahating pulgada, ng 100 beses kada minuto sa loob ng ilang minuto, ay nagdudulot ng pananakit at maaaring makabali sa buto, mapinsala ang atay, o maging sanhi ng iba pang mga problema. Ang CPR ay gumagawa ng halos sapat lang na tibok ng puso, at ang mas mahinang pagsasagawa na ito ay hindi sapat para makapagpaikot ng sapat na dugo. Ang mga electric shock at tubo sa lalamunan ay matitinding mga pamamaraan rin ng paggagamot, pero maaaring mahalaga para mapabalik sa buhay ang isang tao.
Ang CPR ay madalas na makakaligtas sa buhay ng isang tao, lalo na sa kaso ng ilang mga uri ng atake ng puso at mga aksidente na maaring maranasan ng isang taong mabuti ang kalusugan. Ang CPR ay pinakamatagumpay kapag ang hindi paggana ng tibok ng puso at paghinga ay nagaganap sa ospital sa Cardiac Care Unit (CCU). Ang mga nars sa unit ay agad na makikilala ang problema at magsisimula sa maayos na pag-aalaga.
Gayunman, kapag ang isang tao ay humihina ang kalusugan buhat sa isang malubha at sumusulong na sakit, ang puso at paghinga ay bibigay rin sa huli bilang resulta ng sakit na iyon. Sa nasabing pangyayari, maliit ang posibilidad na magtatagumpay ang CPR. Anumang pagtatagumpay ay pansamantala lang, dahil sa huminang kondisyon ng tao na magdudulot sa di muling paggana ng tibok ng puso at paghinga.
Ang isa pang posibilidad ay ang bahagyang pagtatagumpay lang ng CPR. Kung maibalik ang tibok ng puso pero masyado pa ring mahina ang tao para huminga ng mag-isa at nananatiling mahina masyado para gawin ito, maaari siyang ikabit sa ventilator ng ilang araw, linggo, buwan o mas matagal pa. Dagdag pa dito, kapag di na kayang huminga o tumibok ng puso, ang utak ay mabilis na mauubusan ng oxygen. Bilang resulta, sa loob lang ng ilang mga segundo, ang utak ay nag-uumpisa nang hindi gumana (nawalalan ng malay), at sa loob ng ilang minuto magaganap ang permanenteng pinsala sa utak. Kung tumagal pa sa kakaunting mga saglit na iyon ang pagsasagawa ng CPR, ang tao ay maaaring di ganap na maliligtas. Ang pinsala sa utak ay maaaring mangahulugan ng paghihinga ng kaisipan at kawalan ng ala-ala hanggang sa kumpleto at permanenteng kawalan ng malay at pag-asa sa ventilator at mga malalaking medical life support. (Basahin ang FCA fact sheet: Advanced Illness: Feeding Tubes at Ventilators.)
Ang Tungkulin ng Emergency na Tulong (Pagtawag sa 911)
Ang tawag sa 911 ay isang kahilingan ng emergency na tulong; ang layunin noong mga sumasagot sa mga tawag sa 911 ay para maprotektahan ang buhay at ari-arian, at ang mga taong tumutugon ay inaasahan na magtrabaho kung paano sila sinanay para matamo ang layuning iyon. Kung ang bahay mo ay nasusunog, ang mga bumbero ay hindi hihingi ng pahintulot na butasan ang iyong bubungan at magbuhos ng tubig sa loob ng iyong sala—ginagawa nila ang kinakailangan para pigilan ang sunog mula sa pagsira nito sa tahanan mo.
Katulad rin nito, kapag ang tibok ng puso at paghinga ng tao ay hindi na gumana, ang mga tumutugon sa tawag sa 911 ay walang panahon na makipag-usap pa ng matagal sa iyo tungkol sa kondisyon ng tao at ano sa palagay mo ang pinakamabuting dapat gawin. Alam nila na anumang pagkakaantala ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak, kaya’t agad silang nagsisimula ng CPR at dinadala ang taong iyon sa ospital. Isa lang ang eksepsyon, na tatalakayin natin sa susunod na seksyon, hinihiling ito sa ilalim ng kanilang mga patakaran, at tama ito kung iisipin mo ang layunin ng 911 system.
Nang tumawag si Nancy sa 911 sa ating situwasyon, ginawa lang ng paramedic ang alam at sinanay silang gawin —ang iligtas ang kaniyang asawa. Gayunman, kung si Nancy at ang kaniyang doktor ay nakapagkumpleto ng isang DNR form at itinabi ito sa bahay nila, malamang na hindi sinubukan na i-resuscitate ang kaniyang asawa at/o ikabit sa mga makinarya nang siya ay dumating sa ospital.
Ang Do Not Resuscitate (DNR) Form
Ang “Emergency Medical Systems Prehospital Do Not Resuscitate (DNR) Form” ay isang legal na dokumentong nagbibigay sa mga tumutugon sa tawag sa 911 ng pahintulot na isagawa ang CPR. Ang DNR form ay paunang inihahanda para sa anumang situwasyon at itinatabi sa bahay. Ang prehospital DNR form na ito ay nagpapahiwatig ng pangalan ng tao at kung para kanino ito, at nilagdaan ng nasabing tao (o kung sinuman ang kumakatawan sa nasabing tao kung masyado nang malala ang kaniyang sakit para makapagdesisyon sa mga bagay na may kinalaman sa medikal sa ngalan niya). Ito ay nilagdaan rin ng doktor ng nasabing tao. Mangyaring tandaan dahil ito ay lubos na mahalaga: ang form ay walang bisa hangga’t nilagdaan ito ng doktor, dahil ito ay isang medikal na kautusan. May bagong form na maaring pumalit o maging pandagdag sa tradisyonal na DNR order na tinatawag na POLST (Physician Orders for Life Sustaining Treatment). Basahin ang fact sheet Advance Health Care Directives and POLST (sa Ingles).
Ang DNR o POLST ay ang nag-iisang form na nakaka-apekto sa mga tumutugon sa 911; habang hindi nakaka-apekto ang iba pang mga dokumento, tulad ng Durable Power of Attorney for Health Care o iba pang Advanced Directives. Kung sa pagdating ng emergency personnel ay nakita ang tao na hindi na tumitibok ang puso at huminga o malapit nang pumanaw, sila ay magsasagawa ng CPR maliban na lang kung may makita silang wastong nakumpletong DNR/POLST.
Sa pagsasaalang-alang nito, ang DNR/POLST form ay dapat ilagay sa tabi ng kama ng may sakit, marahil sa dingding, para madali itong makita sa kaganapan ng isang emergency. Kapag nakita ng mga tumutugon sa 911 ang form, gagawin pa rin nila ang kanilang makakayanan para gawing komportable ang tao, pero hindi sila magsasagawa ng CPR. Sa kawalan ng isang DNR/POLST form, kailangan nilang isagawa ang CPR. Ang DNR/POLST ay ang nag-iisang form na nagbibigay ng kontrol sa iyo sa puwede nilang gawin. (Tandaan: Ang DNR ay maaaring ibaliktad kung nais mo.)
Mga pagpipilian
Bakit pipiliin na ihanda ang isang DNR? Dahil tulad nang nakasaad sa itaas, may mga panahon na walang saysay na isagawa ang CPR. Habang sumusulong ang isang sakit, karaniwang dumarating ang panahon na ang patuloy na paggagamot ay hindi na makakabawas sa mga sintomas ni hindi rin nito magagamot ang tao at siya ay nasa huling yugto na ng sakit. (Kapag palala na ng palala ang isang sakit, maaaring subukan ng mga doktor ang iba’t ibang mga paggagamot para mapatigil ang sakit, pero lumaon ay malinaw na ang mga paggagamot ay hindi na nakapagbibigay ng ninanais na epekto. Ang iba pang mga paggagamot ay maaaring makapagdulot ng ginhawa, at marahil ay bahagyang makokontrol ang sakit, pero ang punto ay maaabot kapag wala nang magagawa para mapahinto ang paglala ng sakit ng tao). Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, marahil na maramdaman mong wala nang dahilan para subukan ang CPR, dahil ito (sa puntong ito, ang CPR) ay maaari lang magpatagal sa pagpanaw. Pinapahintulutan nito ang likas na pagpanaw. Sa katotohanan, ang orihinal na pangalan ng DNR form ay “DNAR” na nangangahulugan na “Do Not Attempt Resuscitation.” Ang pangalan na ito ay kumikilala sa katotohanan na ang form ay nag-uutos sa mga tumutugon sa 911 na hindi gawin ang isang bagay na, sa kabila ng lubos na pagsisikap, ay hindi mabisa sa matagalan. Ang lubusang magagawa ay ang pagdadala ng may sakit na tao sa ospital na nakakaramdam ng sakit at nagdurusa, para sa mga huling araw ng kaniyang buhay. Ang paghahanda ng DNR ay maaaring ring magdulot ng ginhawa sa caregiver sa pagdedesisyon na patayin ang isang makinarya, na maaaring isang mas mahirap na desisyon sa psychological na bahagi.
(Basahin ang FCA fact sheets, End-of-Life Choices: Holding On and Letting Go (sa Ingles) para sa karagdagang mga desisyon tungkol sa isyung ito).
Bilang Pangwakas
Kapag may taong nagdurusa mula sa malalang sakit, salungat sa isang acute na sakit (ang uri na karaniwang kailangan ang pagbisita lang sa ospital o panandaliang pamamalagi dito), madalas na dahan-dahan ang paghina ng kalusugan. Bilang resulta, parehong caregiver at ang inaalagaan nila ay madalas na nakakalimot na pag-usapan ang mga mapagpipilian ng taong may malubhang sakit hinggil sa kaniyang pangangalaga sa kalusugan. Kung magpasya ka na hindi mo gusto ang CPR at nababahala sa desisyon na ito, marahil na makakatulong na makipag-usap sa iyong manggagamot at pari/pastor. Normal lang at likas a subukan na iligtas ang buhay ng iba anuman ang mangyari, at ang ilang mga tao ay nababahala na ang hindi nila paggawa sa lahat ng posible para maligtas ang isang buhay ng tao ay katumbas na rin ng “pagpatay” sa taong ito. Pero maaaring nangangahulugan lang ito na ginagalang ang huling yugto ng sakit habang dahan-dahan na humihina ang katawan at likas na nagaganap ang pagpanaw.
Walang tama o maling mga sagot sa mga tanong na ito, at hangga’t maharap tayo sa isang situwasyon tulad nito, mahirap na unahan ang mga uri ng desisyon natin. Habang tayo’y nagbabago sa kabuuang panahon ng sakit, maaaring magbago rin ang ating mga pipiliin. Gayunman, mas malinaw na paunang pag-usapan ng mga miyembro ng pamilya ang mga isyung ito para makapagbigay ng kritikal na desisyon, mas madali ito sa parehong may sakit at sa reponsable sa pag-aalaga ng nasabing tao. Hindi masyado maaga para simulan ang pag-uusap. Ang hospice care ay makakabawas sa pagdurusa at makakapagbigay ng suporta sa mga pasyente at pamilya na humaharap sa mga ganitong krisis.
Credits
Jennings, Bruce, et al., “Ethical Challenges of Chronic Illness,” Hastings Center Report, Special Supplement, Pebrero/Marso 1988, mga pahina 1-16.
McLean, Margaret, “Confronting the Ultimate Questions,” Issues in Ethics, Winter, 1997, Vol. 8, No. 1, pgs. 8-9.
Moss, Alvin, “Discussing Resuscitation Status with Patients and Families,” The Journal of Clinical Ethics, Summer, 1993, Vol. 4, No. 2, pgs. 180-182.
Murphy, Donald, et al., “Outcomes of Cardiopulmonary Resuscitation in the Elderly,” Annals of Internal Medicine, August, 1989, Vol. III, No. 3, pgs. 199-205.
Nulland, Sherwin, How We Die, Alfred A. Knopf, 1994.
Shannon, Thomas and Charles Faso, Let Them Go Free, Sheed and Ward, 1985.
Reed, Jennifer Booth, “‘Do not resuscitate’ vs. ‘allow natural death’,” USA Today, 3/2/09, https://hospicevolunteerassociation.org/HVANewsletter/0090_Vol5No2_2009Mar02_DoNotResuscitateVsAllowNaturalDeath.pdf
Braddock, Clarence, H, MD, MPH, “Do Not Resuscitate Orders,” University of Washington, 6/11/08, http://depts.washington.edu/bioethx/topics/dnr.html
Dementia Care Practice Recommendations, Phase 3: End of Life Care, Alzheimer’s Association, http://www.alz.org/national/documents/brochure_dcprphase3.pdf
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon at Tulong:
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 (800) | 445-8106
Website: www.caregiver.org
Email: info@caregiver.org
FCA CareNav: https://fca.cacrc.org/login
Services by State: www.caregiver.org/family-care-navigator
Hangad ng Family Caregiver Alliance (FCA) na mapahusay ang kalidad ng buhay para sa mga caregiver sa pamamagitan ng edukasyon, mga serbisyo, pananaliksik, at pagtatanggol. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay naghahandog ng impormasyon sa kasalukuyang panlipunan at pampublikong patakaran, at mga isyu sa pag-aalaga at nagbibigay ng tulong sa pagdedevelop ng pampubliko at pribadong mga programa para sa mga caregiver. Para sa mga residente ng greater San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagkakaloob ng direktang mga serbisyo ng suporta sa pamilya para sa mga caregiver ng mga taong may Alzheimer’s disease, stroke, pinsala sa utak, Parkinson’s disease, at iba pang nagpapahinang disorder na tumatama sa mga adult.
Iba pang Mga Organisasyon at Mga Link
Alzheimer’s Association
www.alz.org
(800) 272-3900
Compassion & Choices
800-247-7421
https://compassionandchoices.org/
Improving Care for the Dying
http://www.growthhouse.org/educate/flash/mortals/mor11107.html
National Hospice and Palliative Care Organization
(703) 837-1500
www.nhpco.org
Palliative Excellence in Alzheimer’s Care Efforts (PEACE)
5841 South Maryland Ave. Chicago, IL 60637
(773) 702-0102
Dying Unafraid
Fran Johns
https://books.google.com/books/about/Dying_Unafraid.html?id=jUE4kIw5dmAC&printsec=frontcover&source=kp_read_button#v=onepage&q&f=false
Center for Health Care Decisions
3400 Data Drive Rancho Cordova, CA 95670
(916) 851-2828
https://health.ucdavis.edu/chpr/CHCD/index.html
Five Wishes
Aging with Dignity
(888) 5-WISHES
https://www.agingwithdignity.org/5wishes.html
Ang Five Wishes ay isang dokumento na nakakatulong sa iyong ipahiwatig kung paano mo nais na gamutin sa kaganapan na maging malubha ang sakit mo at hindi ka na maaaring magsalita para sa iyong sarili.
Handbook for Mortals
Joanne Lynn, MD and Joan Harrold, MD
Americans for Better Care of the Dying
(202) 895-2660
http://www.abcd-caring.org
Making Sacred Choices at the End of Life
Rabbi Richard Address
Jewish Lights Publishing, 2000.
http://www.jewishlights.com/page/product/JL9
Ang fact sheet na ito ay inihanda ng Family Caregiver Alliance. Ni-review ni John Neville, MD. © 2019 Family Caregiver Alliance. Naka-reserba ang lahat ng mga karapatan.