FCA logo

Mga Dapat Tanungin kapag Kinokonsidera ang Psychotherapic Medication para sa Taong May Dementia (Questions to Ask when Considering Psychotropic Medication for Someone with Dementia)

Ang mga pagbabago sa personalidad at pag-uugali na sanhi ng dementia ay maaaring mapanghamon para sa taong nag-aalaga. Maaaring makatulong ang mga gamot para maibsan ang mga sintomas na ito. Mahalagang magtanong at unawain kung paano gumagana ang mga gamot bago magpasyang subukan ang mga ito.

Pagkokonsidera ng isang Medikasyon o Gamot

  1. Anong mga problema mo sa taong may dementia na sinusubukan mong mapaginhawa?
  2. Ang pasyenteng ito ba ay nagbabanta ng pinsala sa kanilang sarili, sa staff o sa iba pang mga residente/pasyente?
  3. Ano ang mga posibleng opsyon sa paggagamot para sa mga problemang ito?
  4. Ang iba pa bang mga sanhi ay ipinasantabi na maaaring nagdudulot ng mga problemang ito tulad ng mga impeksyon o mga side effect na mula sa kasalukuyang medikasyon?
  5. Sino ang makakatulong sa akin na maunawaan ang mga paraan na di gamit ang gamot para maibsan ang mga problemang ito?

Gamot

  1. Para saan ang gamot na ito? Makakatulong ba ito? Paano ito gumagana?
  2. Kung ang gamot ay anti-psychotic, bakit may “black box” na babala tungkol sa pagbibigay ng gamot na ito sa isang nakakatanda?
  3. Kung tumanggi ang doktor na ibigay ang gamot sanhi ng “black box” na babala, tanungin ang tungkol sa iba pang mga mapagpipilian o opsyon. Ano ang mga alternatibong paggagamot para sa ganitong pag-uugali/problema?
  4. Ang gamot bang ito ay inirerekumenda para sa taong may ganitong uri ng dementia? (Ang iba-ibang mga gamot ay pinakamainam na gumagana sa ibang mga uri ng dementia.)
  5. Covered ba ng insurance ang gamot na ito? Magkano ang buwanang halaga para dito? May mga programa ba na makakatulong sa gastusin? Nasa drug formulary ba ng health insurance ng pasyente ang gamot na ito? May pagkakaiba ba sa generic at name brand na uri ng gamot na ito?

Mga Side Effect

  1. Ano ang mga side effect na dapat kong bantayan? Ano ang mga panganib?
  2. Ang gamot bang ito ay may anumang mga problema ng interaksyon sa anumang iba pang mga gamot na ginagamit ng pasyente?
  3. Mayroon bang mga limitasyon sa diyeta na dapat kong malaman bago gamitin ng iba ang gamot na ito? Mayroon bang iba pang mga restriksyon na dapat malaman, tulad ng limitadong maarawan? Mayroon bang mga komplikasyon kung pinagsama sa alak? Nagiging sanhi ba ito ng pagtaba o pagdagdag ng timbang?
  4. Kailangan ba itong ibigay ng walang laman ang tiyan o pagkatapos kumain?

Pagbabantay sa Gamot

  1. Gaano katagal bago ito magkakabisa? Paano ko malaman kung ito ay gumagana? Nauunawaan ko na ang bisa ng gamot ay nag-iiba iba depende sa tao. Paano ka magpapasya kung alin ang dapat ireseta?
  2. Magsisimula ka ba sa mababang dosis at dahan-dahan itong papalakasin o sisimulan na agad sa kumpletong dose? Bakit oo o hindi?
  3. Kung gumagana sa una ang gamot at pagkatapos ay hindi na, ano ang mga susunod na hakbang? Dapat ba naming taasan ang dosis o baguhin ang medikasyon? Ano ang mga alternatibo?
  4. Kung hindi gumagana ang gamot, kailan bang dahan-dahan na ipatigil ang pasyente o puwedeng biglaan na huminto?

Pamamahala ng Gamot

  1. Paano kung ang taong may depemtia ay hindi ito gamitin araw-araw? Gumagana ba ito kahit na hindi ito patuloy na nagagamit? Paano kung nag-aatubili silang gumamit ng anumang gamot at iniisip na ang pills ay lumalason sa kanila? Paano kung patuloy nilang itago ang pill sa ilalim ng kanilang dila?
  2. Ano ang dapat kong sabihing dahilan kung para saan ang gamot? Kung marinig nila na para ito sa depression o pagkabalisa (anxiety), maaaring di nila maunawaan ang dahilan kung bakit nila kailangan ito.
  3. Ang taong may dementia ay nahihirapan na lumunok ng pills. Ang gamot bang ito ay makukuha sa iba pang form, tulad ng liquid, suppository o patch? Mayroon bang matagal na gumaganang variety? O mas mabuting bigyan ng dosis ng ilang beses sa buong maghapon?
  4. Mahalaga ba kung anong oras ko ibigay ang gamot? Kung ito ay para sa dapit-hapon, dapat ba itong ibigay sa hapon? Kung ito ay para sa sundowning (pagbabago ng ugali kapag papagabi na), dapat ba itong ibigay sa hapon? Gusto kong gawing alerto ang tao hangga’t maaari kapag umawa. Kung ang gamot ay nagpapaantok sa kanila, kahit na hindi ito pampatuloy, anong oras ko dapat ito ibigay sa kanila?

Ni Donna Schempp, LCSW.