Paano Kung May Mangyari sa Akin?
ni Donna Schempp, LCSW
Inalagaan ni Susan ang kanyang asawang si Eric, na may Alzheimer’s. Natisod siya sa bahay at nabali ang kanang braso. Tinawagan niya ang kanyang anak, na nag-aalaga kay Eric nang gabing iyon. Ngunit ang kanyang anak na babae ay kailangang pumasok sa trabaho kinabukasan. At dahil sa nabali niyang braso, hindi maisagawa ni Susan ang mga pangunahing gawain sa pag-aalaga kay Eric, tulad ng pagbihis, pagligo, o pagluto.
Si Norma ay naging maselan sa Covid, ganap na nabakunahan, at nagsusuot ng mask tuwing nasa labas siya ng bahay. Inaalagaan niya ang kanyang asawang si Charles, na dumanas ng ilang stroke, nawalan ng kakayahang pigilan ang pag-ihi, at nangangailangan ng tulong sa paglipat. Kamakailan lang, nag-aalala siya tungkol sa kung ano ang kanilang gagawin kung siya ay nagkasakit o sa ibang paraan ay mawalan ng kakayahan. Wala silang anak at pamilyang nasa malapit na lugar. Matulungin ang kanilang mga kapitbahay at kaibigan, pero hindi nila maaalagaan si Charles kung sakaling magkaroon ng biglaang pangangailangan.
Paano kung …?
Bilang tagapag-alaga, naiintindihan kung minsan ang iyong imahinasyon ay umaaligid sa mga di inaasahang kaganapan na maaaring makasira sa iyong trabaho at mga nakagawian. At kapag ang mga paano-kung ay nangyari sa iyo, maaari silang magbunga ng higit pang pagkabalisa. Nag-iisip kung ano ang mangyayari sa mga tungkulin mo sa pag-aalaga kung magkakaroon ka ng Covid, kung ikaw ay nahulog, naaksidente sa sasakyan – lahat ng iyon ay mga normal na alalahanin na pumapasok sa isip mo. Kung hindi ka nag-iingat, madali kang mahuhulog sa isang silo ng pag-aalala – walang katapusang agos ng mas nakaka-balisa na mga tanong, “ano ang mangyayari kung …?”
Pamamahala ng iyong mga alalahanin
Ano ang dapat mong gawin kapag naramdaman mong nagsimulang gumulo ang iyong isip sa pag-aalala o pagkabalisa? Subukan ang tatlong hakbang na tugon na ito:
Hakbang 1: Huminto. Magkaroon ng kamalayan kung kailan mo nararamdaman ang sarili mo na nababalisa.
Hakbang 2: Huminga nang mabagal. O subukan ang isang grounding exercise – pangalanan ang mga bagay sa silid na kinaroroonan mo o magbilang pabalik mula sa 100 nang tag-pito. Ang punto ng aktibidad ay para ito ay maging daan para sa makatwiran at gumaganang antas ng pagiging kalmado upang ikaw ay sumulong sa susunod na hakbang..
Hakbang 3: Magplano.
Ang katotohanan ay maraming sitwasyon ang maaaring makompromiso ang kakayahang pangalagaan ang kaibigan o miyembro ng pamilya mo. Iyan ang bahagi ng buhay. Ang mahalaga ay sumulong mula sa mga damdaming pagkabalisa patungo sa isang lugar kung saan maaari kang kumilos – gumawa ng isang bagay para makatulong na mapabuti ang sitwasyon. Ang aktibong pagkonsidera sa mga posibleng sitwasyon ay nangangahulugan na maaari kang maingat at epektibong lumikha ng mga pagtaguyod at plano para sa mga biglaang kaganapan.
Pangunahing bagay muna: Kilalanin ang iyong kahaliling tagapag-alaga
Ang pinakamahalagang tanong mo ay kung sino ang iyong magiging kahalili kung hindi mo mapangalagaan ang iyong kaibigan o miyembro ng pamilya.
Maikli man o pangmatagalan ang mga pangangailangan mo, magsimula sa kung sino ang posibleng may oras at bukas sa pagtulong: ang anak na nasa hustong edad, isang miyembro ng pamilya, kapitbahay, isang mabuting kaibigan? Pag-isipan kung sinu-sino sa iyong paligid ang pinaka-malamang na maaaring makatulong sa iyo kung kailangan mo ito. Makipag-usap sa kanila tungkol sa kung ano ang posibleng kailanganin mo at ang kanilang pagsang-ayon na magbigay ng tulong. Minsan, maaaring ito ay propesyonal na tulong sa pag-aalaga na inupahan mula sa isang ahensya o serbisyo.
Ang pagpaplano para sa lahat ng paano-kung…na mga sitwasyon ay nagsisimula sa paghahanap ng tamang tao na susuporta sa iyo. Maaari kang makakita ng iilan, o ibat-ibang mga kaibigan, pamilya, at mga propesyonal na tagapag-alaga: isang mas makatotohanang pamamaraan kaysa umasa sa iisang tao lamang.
Lumikha ng mapagkukunan ng suporta para sa iyong kahalili
Susunod, gugustuhin mong gumawa ng ng gabay sa mga biglaang kaganapan para sa sinumang humalili sa iyo. Kahit na hindi masyadong kailangan ng kahalili, mas mainam na ang lahat ng importanteng impormasyon ukol sa pangangalaga ay nasa iisang lugar at madaling maabot. Ang isang madaling makita na binder na may matingkad na kulay ay isang mahusay na opsyon.
Dapat kasama sa iyong binder ang sumusunod:
- Isang listahan ng mga pangunahing contact
- Impormasyon sa contact ng doktor at clinician
- Impormasyon sa contact ng miyembro ng pamilya
- Impormasyon sa contact ng Emergency na Serbisyong Medikal (kabilang ang 911)
- Umiiral o malalang kondisyon sa kalusugan, halimbawa:
- Diabetes, COPD, Parkinson’s disease, multiple sclerosis, pagkawala ng biyas/paggamit ng paa, depresyon, pagkabalisa, o PTSD
- Impormasyon sa gamot
- Mga pangalan ng gamot. Kung inireseta, isama ang numero ng Rx at mga nagreresetang doktor
- Dosis
- Mga tagubilin sa dosis
- Kadalasan
- Tamang oras
- Mga espesyal na tagubilin (hal., inumin kasama ng pagkain)
- Mga ugnayan sa droga o kontraindikasyon
- Mga side effect na dapat bantayan, kung kailan dapat makipag-kita sa doktor
- Pangalan, address, at numero ng telepono ng botika
- Itineraryo ng karaniwang gawain ng araw (umaga hanggang gabi, oras-oras), kabilang ang:
- Iskedyul ng pagtulog: mga oras para sa paggising, pag-idlip, at oras ng pagtulog
- Mga aktibidad sa banyo, personal na pangangalaga, pag-aayos, at pagbibihis
- Mga oras ng pagkain at meryenda (na may mga tala sa mga allergy sa pagkain, suplemento, o mga pagkaing partikular na gusto o hindi nila gusto)
- Mga pirmihang appointment, paglabas, o aktibidad sa mga partikular na araw ng linggo at oras ng araw, halimbawa:
- Mga paboritong palabas sa TV,
- Mga nakaiskedyul na aktibidad o programa sa lokal na VA o sentro ng matatanda
- Regular na pagbisita ng/sa pamilya o mga kaibigan
- Isang listahan ng mga paboritong bagay o aktibidad ng kaibigan o miyembro ng pamilya mo – mga bagay na palagi dahilan kung bakit ka nakikipag-ugnayan, nang-aaliw o nanggagambala sa kanila. Maaaring kabilang dito ang:
- Musika o kapanahunang musika na gusto nila (tandaan kung paano hanapin/ipatugtog ito sa bahay)
- Mga jigsaw puzzle, card game, trivia, sudoku
- Mga paboritong podcast o video
- Paboritong pagsulat (tandaan kung saan makakahanap ng magnifying tool, kung kinakailangan)
- Mga libangan o pampalipas oras kung saan sila dalubahasa o mahilig – hal., pagguhit, pagpipinta, pagkuha ng litrato. Kahit na hindi na sila nakikibahagi sa aktibidad, ito ay maaaring maging matabang paksa ng pag-uusap.
- Impormasyon sa contact ng doktor at clinician
- Impormasyon sa contact ng miyembro ng pamilya
- Impormasyon sa contact ng Emergency na Serbisyong Medikal (kabilang ang 911)
- Diabetes, COPD, Parkinson’s disease, multiple sclerosis, pagkawala ng biyas/paggamit ng paa, depresyon, pagkabalisa, o PTSD
- Mga pangalan ng gamot. Kung inireseta, isama ang numero ng Rx at mga nagreresetang doktor
- Dosis
- Mga tagubilin sa dosis
- Kadalasan
- Tamang oras
- Mga espesyal na tagubilin (hal., inumin kasama ng pagkain)
- Mga ugnayan sa droga o kontraindikasyon
- Mga side effect na dapat bantayan, kung kailan dapat makipag-kita sa doktor
- Pangalan, address, at numero ng telepono ng botika
- Kadalasan
- Tamang oras
- Mga espesyal na tagubilin (hal., inumin kasama ng pagkain)
- Mga ugnayan sa droga o kontraindikasyon
- Iskedyul ng pagtulog: mga oras para sa paggising, pag-idlip, at oras ng pagtulog
- Mga aktibidad sa banyo, personal na pangangalaga, pag-aayos, at pagbibihis
- Mga oras ng pagkain at meryenda (na may mga tala sa mga allergy sa pagkain, suplemento, o mga pagkaing partikular na gusto o hindi nila gusto)
- Mga paboritong palabas sa TV,
- Mga nakaiskedyul na aktibidad o programa sa lokal na VA o sentro ng matatanda
- Regular na pagbisita ng/sa pamilya o mga kaibigan
- Musika o kapanahunang musika na gusto nila (tandaan kung paano hanapin/ipatugtog ito sa bahay)
- Mga jigsaw puzzle, card game, trivia, sudoku
- Mga paboritong podcast o video
- Paboritong pagsulat (tandaan kung saan makakahanap ng magnifying tool, kung kinakailangan)
- Mga libangan o pampalipas oras kung saan sila dalubahasa o mahilig – hal., pagguhit, pagpipinta, pagkuha ng litrato. Kahit na hindi na sila nakikibahagi sa aktibidad, ito ay maaaring maging matabang paksa ng pag-uusap.
Isang kritikal na listahan ng dapat gawin
Ang paghahanda ay siyang pinakamahalaga. Ang mga hakbang na gagawin mo ngayon – mula sa online, telepono, at personal na pagsasaliksik hanggang sa pag-gawa at pagsaayos sa anumang maaaring mangyari– ay makakatulong sa lahat sakaling magkaroon ng pangangailangan sa hinaharap para sa kapalit/pansamantalang tulong sa pangangalaga.
- Makipag-ugnayan sa mga lokal na ahensya ng pag-aalaga sa tahanan at tingnan ang kanilang proseso para sa pagkuha ng pag-aalaga sa bahay. Alamin kung mayroon silang mga katulong na maaring abutin sa mga biglaang kaganapan na batayan o kung kailangan mong magparehistro nang mas maaga sa kanila. Kung maaari, magsagawa ng pagsubok – subukang gamitin ang kanilang mga serbisyo nang ilang beses (marahil bilang pahinga sa pag-aalaga sa oras ng bakasyon para sa iyo).
- Kung ang kaibigan o miyembro ng pamilya mo ay kwalipikado para sa Medicaid, mag-apply ngayon. Maaari itong magbigay ng pinagmumulan ng bayad kung kailangan nila ng pagkakalagay sa isang pasilidad ng pangmatagalang pag-aalaga.
- Makipag-ugnayan sa iyong Ahensiya ng Lugar sa Pagtanda (http://eldercare.acl.gov) para makita kung anong mga pagkukunan ang mayroon sila para sa biglaan pag-aalaga. Sabihin sa kanila na ikaw ay tagapag-alaga at naghahanda para sa mga hindi inaasahan. Magtanong kung inirerekumenda nila na makipag-ugnayan sa Mga Serbisyong Proteksiyon sa Adulto kapag hindi pupwede ang pangunahing tagapag-alaga, para ipaalam sa kanila na ang kaibigan o mahal mo sa buhay ay nag-iisa at nangangailangan ng tulong. Maaaring tingnan sila ng APS at tingnan kung may mga pagkukunan na makakatulong sa kanilang pangangalaga.
- Ipaalam sa mga pinagkakatiwalaang tao na mayroong mahinang tao sa tahanan. Makipag-ugnayan sa kapitbahay, kasero, o lokal na departamento ng bumbero, at ipakilala ang iyong sarili bilang tagapag-alaga ng iyong kaibigan o miyembro ng pamilya. Hilingin sa kanila na tingnan ang taong ito sa panahon ng biglaang kaganapan o natural na sakuna.
- Mahalagang magbigay sa isang taong mapagkakatiwalaan ng ekstrang susi para makapag-siyasat sa panahon ng ganitong sitwasyon. Bilang dagdag sa pagbibigay ng ekstrang susi sa iyong taong kahalili, maaaring gusto mong magtago ng isa pang susi sa labas, kung saan alam ng isang kapitbahay o iba pa kung nasaan ito.
- Ikonsidera ang pagkuha ng isang tagapangasiwa ng geriatric na pag-aalaga na patuloy na makikipagtulungan sa iyo para tiyaking ang lahat ay nasa lugar. Makakahanap ka ng mga tagapamahala ng pangangalaga sa pamamagitan ng Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapamahala sa Pangangalaga ng Tumatandang Buhay (www.aginglifecare.org).
- Tiyaking alam ng kaibigan o kapamilya mo kung kailan at paano tatawag sa 911 (kung mayroon silang demensya, hindi ito angkop). O mag-paunang programa ng speed-dial button para sa emergency na pagtugon at tiyaking alam nila kung paano ito gamitin kung kinakailangan.
- Kumuha ng isang Medical Alert ID na pulseras para sa iyong sarili upang malaman ng mga propesyonal sa pagtugon sa biglaang kaganapan kapag nag-aalaga sa iyo na mayroong taong may kapansanan sa bahay at masuri sila. Maaari kang makakuha ng isang pulseras na nagsasabing, “Ako ay isang tagapag-alaga” at nagbibigay-daan sa iyo na maglagay ng impormasyon sa contact sa likod. (Magagamit sa pamamagitan ng Asosasyon ng Alzheimer’s, www.alz.org, ang ID Band, www.theidbandco.com, o Medic Alert, www.medicalert.org/bracelets).
- Isaayos ang mga legal na papeles upang madaling mahanap – para sa iyo at pati na rin sa kaibigan o miyembro ng pamilya mo. Maaaring gusto mong tandaan ang lokasyon ng mahahalagang dokumentong ito sa iyong pang-emergency na binder, pagdaragdag ng tala sa refrigerator para sa mga tauhan ng EMS at ang pag-access sa legal na papeles ay ipinaliwanag sa binder.
Espesyal na mga dapat gawin para sa tulong ng ahensya at mga pasilidad ng tinutulungan pamumuhay
- Bago maging kailangan, magsaliksik ng mga ahensya ng pag-aalaga sa tahanan sa iyong lugar at magparehistro sa kanila. Sa ganoong paraan, kapag/kung kailangan mo ng taong tutulong sa bahay, maaari kang tumawag at simulan ang serbisyo nang hindi kinukumpleto ang proseso ng paggamit bago magsimula ang mga serbisyo.
Sa kabaligtaran, maaari kang makipag-konekta sa mga kaibigan para sa mga pribadong tagapag-alaga na maaari mong tawagan. Kadalasan ang mga pribadong tagapag-alaga ay maglalagay ng isang paunawa sa lokal na sentro ng matatanda, at maaari mo silang interbyuhin at suriin nang mas maaga. Tingnan ang mga link sa mga pagkukunan ng FCA para tumulong sa proseso ng pagkuha ng tulong.
- Totoo rin ito para sa mga pasilidad ng tinutulungan pamumuhay. Kung mabali ang balakang o kailangan mo ng pagpapalit ng tuhod, maaaring hindi ka makapag-alaga sa loob ng ilang linggo. Sa sitwasyong ito, ang magandang opsyon ay maaaring isang silid ng pahinga sa isang malapit na komunidad ng pagreretiro o Lupon at Pag-aalaga. Ang pagsasaliksik nang mas maaga at ang pag-alam kung ano ang mayroon at kung ano ang kinakailangan ay nag-aalis ng pasanin sa iyo para malaman ang mga opsyon mo habang nakikitungo sa maraming iba pang mga desisyon.
Mahalagang tandaan na karamihan sa mga tinitirahang pasilidad ay nangangailangan ng napapanahong TB test para malipat ang isang tao. Maaari kang makipag-usap sa doktor ng kaibigan o miyembro ng pamilya mo para tiyaking ginagawa ito tuwing anim na buwan upang matiyak na mayroong kasalukuyang patunay ng pagsusuri at mga resulta sa file.
Tuklasin ang mga pagkukunan sa komunidad
Kung hindi mo maibibigay ang lahat ng pag-aalaga para sa kaibigan o miyembro ng pamilya mo, makakatulong na malaman kung anong mga pagkukunan ang magagamit sa loob ng iyong komunidad.
- Ang mga pagkaing inihahatid ay magbibigay ng mga pagkain sa iyo at sa kaibigan o miyembro ng pamilya mo, at kung sakaling magkaroon ng emergency, madalas ka nilang ilalagay sa priyoridad. Makakatulong ito dahil minsan ay maaaring mayroong talaan ng naghihintay. Sinisingil ang Mga Pagkaing Inihahatid sa mga customer gamit ang isinasaayos na bayad.
- Ang Paratransit ay makakatulong sa paghatid sa iyo at sa kaibigan o miyembro ng pamilya mo sa mga appointment sa mga doktor at mga kinakailangang gawain. Ang iyong lokal na Ahensya ng Lugar sa Pagtanda (http://eldercare.acl.gov o sa ilang lugar, maaari silang i-access gamit ang pagtawag sa 211) ay mayroong impormasyon at serbisyo ng referral na maaari mong tawagan para malaman kung anong mga pagkukunan ang mayroon sa iyong komunidad at kung paano maabot ang mga ito.
Isaayos ang mga regular na pagbisita
Kapag ang isang tao ay nakahiwalay, matanda na, o masama ang pakiramdam/gumagaling, palaging magandang ideya na ayusin ang mga regular na pagbisita para kumpirmahing ligtas sila.
- Ang ilang mga organisasyon ay tumatawag araw-araw sa mga nakahiwalay na tao para tiyakin na sila ay nasa maayos na kalagayan. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na Ahensya ng Lugar sa Pagtanda para sa mga mapagkukunan sa iyong komunidad.
- Ang ibang mga tao ay nagpaplano kasama ang mga kapitbahay/kaibigan/miyembro ng pamilya na mag-regular na bumisita. Maaaring ito ay tawag sa telepono o isang senyas, tulad ng pagbubukas ng mga pansara, na magsasabi sa isang tao na ayos ka lang.
Mga Sistema ng Pagtugon sa Biglaang Kaganapan
Mayroong ilang sistema ng pagtugon sa biglaang kaganapan (emergency) sa buong bansa. Maaari mong malaman kung aling sistema ang mayroon sa iyong lugar sa pamamagitan ng Ahensya ng Lugar sa Pagtanda o sa lokal na sentro ng matatanda.
Binibigyang-daan ka ng mga sistemang ito na pindutin ang isang button na suot mo bilang kuwintas o pulseras para humingi ng tulong. Ang ilang mga sistema ay mayroon ding pag-detect sa pagkalaglag, kung saan awtomatiko silang nati-trigger ng isang tawag sa telepono kung ang nakasuot ay nahulog at hindi magawang pindutin ang button mismo.
Ang mga ito ay mahalaga para sa taong inaalagaan mo, ngunit dapat mo ring ikonsidera kung kailangan mo ng isa para sa sarili mo. Bilang isang tagapag-alaga, kung ikaw ay nahulog o nasa ibang uri ng pagkabalisa, ang naturang aparato ay magbibigay-daan sa iyo na tumawag para sa tulong pati na rin humiling ng suporta para sa kaibigan o miyembro ng pamilya mo.
Kumpletuhin ang pangmatagalang pagpaplano
Sa paghahanda para sa hindi inaasahang pangyayari, mahalagang ikonsidera ang lahat ng uri ng pangangailangan at pag-aalaga – kabilang ang kalusugan, legal, at pinansyal.
- Nakumpleto mo na ba ang mga kinakailangang porma para sa taong mag-aalaga sa kaibigan o miyembro ng pamilya mo kung ikaw ay nawalan ng kakayahan?
- Nakumpleto mo na ba ang legal na papeles para sa sarili mong pag-aalaga?
- Sino ang maaaring mag-sign in sa iyong checking account? Sino ang maaaring mag-sign on sa account ng kaibigan o miyembro ng pamilya mo?
- Kung ikaw o ang taong inaalagaan mo ay mawalan ng kakayahan, sino ang may kapangyarihan ng abogado para sa pananalapi o kalusugan? Ang fact sheet na ito, “Legal na Pagpaplano para sa Kawalan ng Kakayahan” (https://www.caregiver.org/resource/legal-planning-incapacity/), ay makakatulong.
Sa kaso ng emergency (ICE)
Kung mayroon kang cell phone, malamang na ilagay mo ang ICE (In Case of Emergency or Sa Kaso ng Emergency) sa listahan ng contact mo. Pero ang isa pang lugar para malagay ang impormasyong ito ay sa iyong pitaka, kasama ang lisensya mo sa pagmamaneho. Dapat itong magsabi ng: ” Ako ay isang tagapag-alaga sa isang taong walang kakayahan. Kung may mangyari sa akin, pakitingnan sila at makipag-ugnayan kay ____________, na nakakaalam kung paano sila tutulungan.”
Karagdagang Mga Mapagkukunan
Family Caregiver Alliance
National Center on Caregiving
(415) 434-3388 | (800) 445-8106
Website: www.caregiver.org
Email: info@caregiver.org
CareNav ng FCA: www.fca.cacrc.org
Mga Serbisyo ng Tagapag-alaga ayon sa Estado: https://www.caregiver.org/connecting-caregivers/services-by-state/
Ang Family Caregiver Alliance (FCA) ay naglalayong mapabuti ang kalidad ng buhay para sa mga tagapag-alaga sa pamamagitan ng edukasyon, serbisyo, pananaliksik, at adbokasiya. Sa pamamagitan ng National Center on Caregiving nito, ang FCA ay nag-aalok ng impormasyon sa kasalukuyang panlipunan, pampublikong patakaran, at mga isyu sa pag-aalaga at nagbibigay ng tulong sa pagbuo ng mga pampubliko at pribadong programa para sa mga tagapag-alaga. Para sa mga residente ng mas malawak na San Francisco Bay Area, ang FCA ay nagbibigay ng direktang mga serbisyo sa suporta sa pamilya para sa mga tagapag-alaga ng mga may Alzheimer’s disease, stroke, ALS, pinsala sa ulo, Parkinson’s, at iba pang nakakapanghinang mga sakit sa utak na umaatake sa mga nasa hustong gulang.
Iba pang Mga Organisasyon at Link
Pambansang Tagahanap ng Pangangalaga sa Matatanda (National Eldercare Locator)
https://www.eldercare.acl.gov
Network ng Aksyon ng Tagapag-alaga (Caregiver Action Network)
https://www.caregiveraction.org/
Asosasyong Amerikano ng Mga Retiradong Tao (American Association of Retired Persons, AARP)
https://www.aarp.org
Ahensya ng Lugar sa Pagtanda (Area Agency on Aging)
http://eldercare.acl.gov
Ang impormasyong ito ay isinulat ni Donna Schempp, LCSW at pinatnugutan para sa kadaliang pagbasa ni Trish Doherty (http://trishdoherty.net). Nirepaso at inaprubahan ito ng Family Caregiver Alliance. ©2022 Family Caregiver Alliance. Lahat ng karapatan ay nakalaan.